Asin – Anak ng Sultan Lyrics

Sa isang pulo sa katimugan sa isang maharlikang tahanan

May isang binatang pinaparusahan tanging hangad kapayapaan

Sinaway niya ang kanyang amang Sultan pagka’t ang nais niya’y katahimikan

Katahimikan sa kanyang bayang sinilangan

Anak ng Sultan ngayo’y pinaparusahan pagka’t duwag daw ng angkan

Higit duwag ba ang tawag sa mga taong ang hangad ay kalayaan

Sigaw ng puso niya’y kapayapaan sa kanyang bayang sinilangan

Magtiis ka muna kaibigan

May ilaw sa kabila ng kadiliman

Dagat man daw na kay lalim may hangganan

Umasa ka’t maririnig ang sigaw mong kapayapaan

Ako’y nagtataka kung bakit ang magkapatid ay dapat pang maglaban

Ako’y nagtataka kung bakit may taong kapwa tao’y pinapahirapan

Kailan pa matatapos ang paghihirap ng aking kalooban

Magtiis ka muna kaibigan (at ako’y na buhay dito sa mundo ay di ko maunawaan)

Ang buhay ay di mo maunawaan (kailan pa kaya makikita ang hinahanap kung kapayapaan)

Ang lahat ng bagay ay nagdadaan lamang (kailan pa masasagot ang lahat ng aking mga katanungan)

Lahat ng kasagutan ay nasa iyong pinanggalingan

Magtiis ka muna kaibigan

May ilaw sa kabila ng kadiliman

Dagat man daw na kay lalim may hangganan

Umasa ka’t maririnig ang sigaw mong kapayapaan

Magtiis ka muna kaibigan

May ilaw sa kabila ng kadiliman

Dagat man daw na kay lalim may hangganan

Umasa ka’t maririnig ang sigaw mong kapayapaan

Related