Arthur Miguel – SIYA (Revisualized) Lyrics

Ikaw na lang palagi ang nasa isip

Sa tuwing kausap ka, nakangiti

Ngunit hindi ka nga pala para sa ‘kin

Oh, kay sakit naman nitong banggitin

At sa oras ng ‘yong hinagpis

Ako’y nandito para ikaw ay patahanin

Bakit ba gan’to? Ako ang nasa tabi mo

Pero s’ya ang nasa isip at tibok ng puso mo

Okay lang ako, maghihintay pa rin sa ‘yo

Nagbabaka-sakaling mayro’n pang puwang d’yan sa puso mo

Ah-ah, ah-ah, ah-ah, ah-ah

Ah-ah, ah-ah, ah-ah

Heto ka na naman, lumapit sa ‘kin

At sasabihin kung ano’ng masakit

Ako ba’y naaalala mo pa rin

Pati ang puso kong durog sa sakit?

At sa oras ng ‘yong hinagpis

Ako’y nandito pa rin, handa kang patahanin

Bakit ba gan’to? Ako ang nasa tabi mo

Pero s’ya ang nasa isip at tibok ng puso mo

Okay lang ako, maghihintay pa rin sa ‘yo

Nagbabaka-sakaling mayro’n pang puwang d’yan sa puso mo

Ah-ah, ah-ah, ah-ah, ah-ah (ooh-ooh-ooh)

Ah-ah, ah-ah, ah-ah

Ah-ah, ah-ah, ah-ah, ah-ah (ooh-ooh-ooh-ooh)

Ah-ah, ah-ah, ah-ah (na-na-na, ooh-ooh-ooh)

Lumipas ang panahon at magsasama na kayo

Ang huling bilin ko lang sa kanya

Mahalin kang totoo, samahan sa pangarap mo

At ibigay lahat ng mayro’n s’ya na wala sa piling ko

At para sa ‘yo, tatanggapin lahat

Oh, giliw ko