Ilang kanta pa ba ang aawitin mo?
Ilang libro pa ba ang tatapusin mo?
Alas dose ng umaga nakahiga sa kama
Naghihintay ka lamang sa wala
Hindi ka ba napapagod sinta?
Ginawa mo naman ang lahat wala pa rin talaga
Hanggang saan kaya ang kaya?
Hanggang kailan aasa?
Kahit alam mong ‘di ka niya
Pipiliin susunduin
Ibigay mo man lahat mahalin mo ng sapat
Kung ‘di ikaw ang gusto ‘Di ikaw ang gusto
Wag pilitin ang ‘di para sa’tin
Tanggapin mo ang lahat mabigat o magaan
Dahil kung para sayo para sayo
Paano ka kaya nabubuhay?
Sa mga pangakong binitawan na laging sablay
At sa pag-ibig na ‘di tama
Paninindigan nga ba?
Paano umaasa kung wala namang mapapala
Tignan sarili mo
Yan ba talaga ang ‘yong gusto?
Luha dito pati doon puso’y di na naghilom
Tunay na pag-ibig ang minimithi
Kalimutan mo na dahil alam mong di ka
Pipiliin (Di ka pipiliin)
Susunduin (‘Di ka susunduin)
Ibigay mo man lahat (Ibigay, ibigay)
Mahalin mo ng sapat (Mahalin man ng sapat)
Kung ‘di ikaw ang gusto ‘Di ikaw ang gusto
(‘Di ikaw ang gusto)
Wag pilitin (‘Wag na pang ipilit)
Ang ‘di para sa’tin
(Ang ‘di para sa’tin)
Tanggapin mo ang lahat
(Tanggapin, tanggapin) mabigat o magaan
(Mabigat o magaan) dahil kung para sayo
(Para sayo) para sayo
“Para sa mga hindi pinili
Masakit sa umpisa alam ko
Pero alam ko din na kakayanin mo
Okay lang yan darating din yung panahon na
Ikaw naman yung sasaya
Basta lagi mong ingatan yung sarili mo
At magtiwala ka lang sakanya
Kasi lahat ng pinagdadaanan mo ngayon
May magandang kapalit yan
Naniniwala ako, naniniwala ako sayo”