Saan ba nagkulang? Naibigay ko na ang lahat
Saan ba nagkamali?
Kailan no’ng naglaho ang masayang sandali?
‘Di na ba maibabalik
Ang kahapong tayong dalawa?
Magkasama sa hirap at ginhawa
‘Di natatapos, ‘di ka mag-iisa
Ang kahapong ‘di mababalikan
Paano nagbago ang ‘yong pagtingin?
‘Di na ba kayang tanggapin?
Lahat ay naglaho sa isang sandali
‘Di na maibabalik
Ang kahapong tayong dalawa
Magkasama sa hirap at ginhawa
‘Di natatapos, ‘di ka mag-iisa
Ang kahapong ‘di mababalikan
Ooh-ooh, ooh-ooh
Ako’y babangon kahit wala ka na
‘Di ka man kasama, walang magagawa
Lahat natapos, naiwang mag-isa
Dahil lahat ay naglaho na