April Boy Regino – Tanging Hiling Lyrics

April Boy Regino Lyrics

“Tanging Hiling”

Nagdarasal nagsusumamo

Sana’y pakinggan ang panalangin ko

Nakikiusap sana’y tulungan mo

Na tumagal pa ang buhay ko

Nalulungkot ako at umiiyak

Bigyan pa ng pag-asang ako’y mabuhay pa

Tanging hiling ko lang Panginoong Hesus

Humaba pa sana ang buhay ko

Di ba’t sabi mo manalig lang ako

Ikaw ang dakilang manggagamot ko

Tanging hiling ko lang Panginoong Hesus

Humaba pa sana ang buhay ko

Lumalapit at naniniwala sayo

Gagaling ako dahil sa tulong mo

Heto ako nagmamakaawa

Damdamin ko’y lubos na nahihirapan

Puso at isip ko nanampalataya sayo

May pag-asa pa na darating

Nalulungkot ako at umiiyak

Bigyan pa ng pag-asang ako’y mabuhay pa

Tanging hiling ko lang Panginoong Hesus

Humaba pa sana ang buhay ko

Di ba’t sabi mo manalig lang ako

Ikaw ang dakilang manggagamot ko

Tanging hiling ko lang Panginoong Hesus

Humaba pa sana ang buhay ko

Lumalapit at naniniwala sayo

Gagaling ako dahil sa tulong mo

Gagaling ako dahil sa iyo