Dakilang lahi na sa ‘yong tangi
Pag-ibig kong walang hanggan
Isinumpa ko, oh, Pilipino
Gagaling ang sugat ng ‘yong nakaraan
Nang pahiran ko, luha ng puso mo
Ay natayong muli ang karangalan mo
Oh, ang pag-ibig ko sa ‘yo’y walang hanggan
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man
Kuminang na ang ‘yong bituin at sumikat na’ng araw
Ang kalayaan mo’y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa ‘yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo, dugo’t pawis inalay mo
‘Di ka na maaapi, ngayon o kailanman
Pag-ibig ko sa ‘yo’y walang hanggan
Dakilang bayan, kapayapaan
Ay muli nang nakamtan
Tulad no’ng araw bago inagaw
Ang kayamanan mo ang ‘yong kalayaan
Nang pahiran ko, luha ng puso mo
Ay natayong muli ang karangalan mo
Oh, ang pag-ibig ko sa ‘yo’y walang hanggan
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man
Kuminang na ang ‘yong bituin at sumikat na’ng araw
Ang kalayaan mo’y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa ‘yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo, dugo’t pawis inalay mo
‘Di ka na maaapi, ngayon o kailanman
Pag-ibig ko sa ‘yo’y walang hanggan
Kahit na ga’no kaliit ang tinig ko
Buong lakas akong magtatanggol sa ‘yo
Ang bukas ay tanging sa ‘yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo, ang buhay ko’y alay sa ‘yo
‘Di ka na maaapi, ngayon o kailanman
Pag-ibig ko sa ‘yo’y walang hanggan, oh
Pag-ibig ko sa ‘yo’y walang hanggan