Angeline Quinto – Kailangan Kita Lyrics

Sa piling mo lang

Nadarama ang tunay na pagsinta

‘Pag yakap kita ng mahigpit

Parang ako’y nasa langit

Minsan lang ako nakadama ng ganito

Pag-ibig na wagas at sadyang totoo

Nananabik itong aking puso

Kailangan kita, ngayon at kailanman

Kailangan mong malaman na ikaw lamang

Ang tunay kong minamahal

At tangi kong hiling ay makapiling ka lagi

Minsan lang ako nakadama ng ganito

Pag-ibig na wagas at sadyang totoo

At habang buhay na ipaglalaban ko

Kailangan kita, ngayon at kailanman

Kailangan mong malaman na ikaw lamang

Ang tunay kong minamahal

At lagi kong dinarasal

Kailangan kita, ngayon at kailanman

Kailangan mong malaman na ikaw lamang

Ang tunay kong minamahal

At tangi kong hiling

Ay makapiling ka

Lagi

Kailangan kita