Nang dumating ka sa buhay kong hilo
Binigyan mo ng kulay ang puso kong itoBawat araw ay puno ng awit at tulaPinalitan mo ng ngiti mga matang lumuluha
Hanggang kailan kita iibigin?Hanggang saan kita hahanapin?Kahit saan ka man naroroon ngayon, sintaMagpakailanman, pinapangako kong hihintayin kita
Akala ko, pagmamahal mo ay akinNgunit sa isang saglit, ako pala’y iiwan dinAko ba ay nagkulang? Ikaw ba ay sinaktanUpang iwanan mo ang puso kong ngayon ay sugatan?
Hanggang kailan kita iibigin?Hanggang saan kita hahanapin?Kahit saan ka man naroroon ngayon, sintaMagpakailanman, pinapangako kong hihintayin kita
At kung sakali mang bumalik ka pa sa piling koTatanggapin kita na walang isusumbat sa ‘yoPinatawad na kita bago ka pa bumalikKahit kailan man ay ‘di maglalaho itong aking pag-ibigPag-ibig
Hanggang kailan kita iibigin?Hanggang saan kita hahanapin?Kahit saan ka man naroroon ngayon, sintaMagpakailanman, kahit kailanPinapangako kong hihintayin kita