Angeline Quinto – Bakit Ba Minamahal Kita Lyrics

Nakatulala, di alam ang gagawin

‘Di ko maintindihan kung tayo pa rin

Nalilito sa mga sinabi mo

Akala ko, ako lang ang s’yang mamahalin mo

Bigla kang nagbago, ‘di ko alam ang dahilan

Ako ba’y iiwan mo? ‘Di man lang nagpapaalam

Bakit ba minamahal kita?

Bakit ba palagi mong sinasaktan ang puso ko?

Nababaliw pa rin ako sa ‘yo

Bakit ba minamahal kita

Kahit aking nadaramang may mahal ka nang iba

At parang bulag akong umaasa?

Bakit ba minamahal kita?

Nagtatanong kung ano ang gagawin

Para magbalik sa ‘kin ang dating pagtingin

Umaasa na sana’y tayo pa

Kahit ngayon ako sa ‘yo’y parang balewala

Bakit nagbago? ‘Di ko alam ang dahilan

Hindi ko kakayanin kung talagang magpapaalam

Bakit ba minamahal kita?

Bakit ba palagi mong sinasaktan ang puso ko?

Nababaliw pa rin ako sa ‘yo

Bakit ba minamahal kita?

Kahit aking nadaramang may mahal ka nang iba

At parang bulag akong umaasa?

Bakit ba minamahal kita, oh

Bakit ba minamahal kita?

Bakit ba palagi mong sinasaktan ang puso ko?

Nababaliw pa rin ako sa ‘yo

Bakit ba minamahal kita?

Kahit aking nadaramang may mahal ka nang iba

At parang bulag akong umaasa?

Bakit ba minamahal kita

Bakit ba mahal kita?

Mahal na mahal kita