Angeline Quinto – Awit Ng Pag-ibig Lyrics

Sana’y nakikinig ka

Sana’y naririnig mo

Mga salitang sinasambit ng aking puso

Naghihintay ka na sa araw na tayo’y magsasama

Pagkat alam ko giliw

Isang araw tayo pa ring dalawa

Ikaw at ako muling magkakasama

Tayo lang sa hirap at ginhawa

Pakinggan mo ang awit ko

Awit ng pag-ibig alay ko sa’yo

Mula sa puso ko hanggang sa puso mo

Nag-uugnay sa pag-ibig nating totoo

Alam ko nakikinig ka

Alam ko naririnig mo

Mga katagang binibigkas ng aking puso

Tayo pa ring dalawa pangako

Pakinggan mo ang awit ko

Awit ng pag-ibig alay ko sa’yo

Mula sa puso ko hanggang sa puso mo

Nag-uugnay sa pag-ibig nating totoo

Pakinggan mo ang awitin ko

Ang himig ng pusong ito, binigyang buhay mo

Pakinggan mo ang awit ko

Awit ng pag-ibig alay ko sa’yo

Mula sa puso ko hanggang sa puso mo

Nag-uugnay sa pag-ibig nating totoo