Amapola – Hiram feat. Zsa Zsa Padilla Lyrics

May isang umagang ‘di mo hahagkan

Ang mata kong ‘di ka magigisnan

Turuan mong ako’y h’wag masaktan

Kahit ako para sa ‘yo

Ay ‘sang hiram At hindi dapat magdamdam

Di mo lang alam na kahit pa mali

Naging langit ang bawat sandali

Magmula nang halik mo’y dumampi

Pag-ibig mo pag-ibig ko kapwa hiram

Wala ka bang pakiramdam

Di ba ako’y tao lang na

Nadadarang at natutukso rin

Maiaalis mo ba sa ‘kin na matutuhan kang mahalin

Sa bawat sandaling hiram natin

Di ba ako’y tao lang na

Nadadarang at natutukso rin

Maiaalis mo ba sa ‘kin na matutuhan kang mahalin

Sa bawat sandaling hiram natin hah hoo

May isang umagang ‘di mo hahagkan

Ang mata kong ‘di ka magigisnan

Turuan mong ako’y h’wag masaktan

Kahit ako para sa ‘yo

Ay ‘sang hiram At hindi dapat magdamdam

O hiram na kung hiram bawat saglit

Wala ako isa mang hinanakit

Basta’t kapiling ka’y langit

Walang sa ‘yo ay papalit

Hinding-hindi ako sa ‘yo magdaramdam

Kahit hiram