Dito ba? Dito ba? Dito ba? O dito ba
Ang dapat kong kalagyan?
Na isang sulok kong hiram
Sa ilalim ng araw
Dito ba ang daigdig ko ngayon?
Bakit ibang-iba sa daigdig ko noon?
Dito ba kung sa’n naroroon
Ang hinahanap kong wala sa panahon?
Dito ba ang sulok kong takda, sa ilalim ng araw?
Kung saan, kay lalim ng luha
Ligaya’y kay babaw

Dito ba (dito ba) ako naaangkop
Sa paraiso nang walang kumukupkop?
Dito ba (dito ba) naro’n ang tagumpay?
Magkabila’y ngiti, sa loob ay may lumbay
Dito ba ang sulok kong takda, sa ilalim ng araw?
Kung saan, kay lalim ng luha
Ligaya’y kay babaw
Dito ba ang sulok kong takda, sa ilalim ng araw?
Kung saan, kay lalim ng luha
Ligaya’y kay babaw (babaw)
Dito ba ang sulok kong takda, sa ilalim ng araw?
Dito ba ang sulok kong takda, sa ilalim ng araw?
Dito ba ang sulok kong takda, sa ilalim ng araw?
Dito ba ang sulok kong takda, sa ilalim ng araw?
Credits
Writer(s): George Canseco