Alisah Bonaobra – Ako Lyrics

Alisah Bonaobra Lyrics

“Ako”

Araw-araw ay may kagandahan

Na pinapangarap ang mundo

Bawat ibon ay handang umawit

Bawat tao’y handang magbago

Sa aking tahanan ay iyong asahan

Ang pag-asang alay sa iyo

Sa munti kong paraan, aking sisimulan

Ako ang sagot sa mundo

Gumising na, bumangon na

Patungo sa pagbabago

Gumising na, makiisa

Ako ang sagot sa mundo

Ako ang sagot sa mundo

Araw-araw, may kapayapaang

Bumabalot sa aking puso

Ang hinahangad na kayamanan

Ay dalangin kong paraiso

Sa aking tahanan ay may kasagutan

Katuparang alay sa iyo

Sa munti kong paraan, aking sisimulan

Ako ang sagot sa mundo

Gumising na, bumangon na

Patungo sa pagbabago

Gumising na, makiisa

Ako ang sagot sa mundo

‘Pagkat ikaw ay ako at ako ay tayo

Ang tanging hakbang, nagsisimula sa ako

Na-na-na-na-na-na, na-na-na-na-na-na

Na-na-na-na-na-na, na-na-na-na-na-na

Na-na-na-na-na-na, na-na-na-na-na-na (ooh-ooh-ooh)

Na-na-na-na-na-na (ooh-ooh)

Gumising na, bumangon na

Tumungo sa pagbabago

Gumising na, makiisa (makiisa)

Ako ang sagot sa mundo

Gumising na, bumangon na

Tumungo sa pagbabago

Gumising na, makiisa (makiisa)

Ako ang sagot sa mundo