Alamat Lyrics
“Hala”
Sama-sama aagos nang pasulong
Aarangkada anumang lagay ng panahon
Sari-sari ang maaaring mga hamon
Ako’y mananatili, hindi magpapalupig sa iyo
(Alamat, handa, ‘rap)
Sa bawat araw na hinaharap ang pagsubok
Nagniningas ako’t patuloy sumusugod
Nananalangin ka na masadlak ako
Ika’y nananaksak, humahalakhak ‘pag ako’y nagdurugo
Nakakarindi at paulit-ulit
Ang pangungutya mo’t pagmamaliit
Huwag kang magulo, huwag kang makulit
Masyado ka nang malupit
Ilang taon din ang pagtitiis
Sa mga bulong ng mapang-alipin
‘Di mapipigtal itong aking dangal
At magpapatuloy akong magniningning
Nadarama ko ang pangmamata mo (aah…)
Ang paglait mo sa bawat galaw ko (aah…)
Subalit para sa kaalaman mo
Hindi ako palulumpo
At kahit madapa, laksa-laksa ang pagdududa
Hindi humuhumpay ang daloy ng mga problema
Padayon lang ang pagliyab ng isip, puso at kaluluwa
Raragasa
Pagbilang ng tatlo
Nakatago na kayo
Hala
Hala
Hala, hala, hala ka
Hala
Hala, hala, hala ka
Masakit ba na makita (hala)
Ang tagumpay ko sa kabila (hala)
Ng matatalim mong salita (hala)
Tumabi ka diyan baka masagasaan
Puro nalang alingogngog
Nga murag mga bangaw na gatingogtingog
Hoy dong palihog
Kung buot pa sibog
Murag gadaghandaghan namo sa akoa nagapalibot
Adu adu pay iti bara
Lapayag agdardara
Sakbay mo ibaga nga san kami karapat dapat
Lagipem man nu maisali ti dinawat
Butunga pababa
Ika an mapapagalon
Ha wili tan wanan
Hai lacu anhalitaon
Puro aringasa
Di nala humuyo ngan
Kumulaw kun ano itun akun kaya
Deng ngan pamamusit mu
Deng ngan pamanyira mu
Ala la ngan epektu yeah
Ala lang kwenta, tung
Nadarama ko ang pangmamata mo (aah…)
Ang paglait mo sa bawat galaw ko (aah…)
Subalit para sa kaalaman mo
Hindi ako palulumpo
At kahit madapa, laksa-laksa ang pagdududa
Hindi humuhumpay ang daloy ng mga problema
Padayon lang ang pagliyab ng isip, puso at kaluluwa
Raragasa
Pagbilang ng tatlo
Nakatago na kayo
Hala
Hala
Hala, hala, hala ka
Hala
Hala, hala, hala ka
Masakit ba na makita (hala)
Ang tagumpay ko sa kabila (hala)
Ng matatalim mong salita (hala)
Tumabi ka diyan baka masagasaan
At kahit ano pa ang ‘yong
Balak sambitin
Baluti ko ay yari sa
Matibay na hangarin
Yurakan mo man itong
Aking nagawa
Hindi ako pagagapi
Paaapi, pasisiil, kahit sino ka pa
Pilipinas! Handa, ‘rap
Tara na
Luzon, Visayas, Mindanao
Sumigaw sa galak at humiyaw
Sumabay sa galaw at sumayaw
Hindi paaapi, pagagapi kanino man
Raragasa