Alamat – ABKD Lyrics

Alamat Lyrics

“ABAKD”

Sa paggulong ng ‘yong buhay

Masusubukan ka nang tunay

Huwag yuyuko, halaga mo’y ginto, uh, yeah

Mabato man ang daan

Puno pa ng mga hadlang

Huwag uurong, tiwala ako sa ‘yo

Huwag mong hayaang magkaagiw ang iyong mga pangarap

Iwasan mong magpadala sa mga mapanghamak

Ngayon ang tamang panahon upang ika’y magsikap

Lakad pasulong

A-abutin ang ‘yong mithiin

Ba-bagbagin mga balakid

Ka-kampi ang mga tala

Mundo mo ito

Da-dampian mo ng pag-asa

Magtiwala ka sa ‘yong sarili

Ga-gabay mo si Bathala

Mundo mo ito

Diay nagsinaan ti dalan

Sitatalged adda pagdudua

Wala man sang may kapat-uran

Pwu piyo mga may mahibal-an

Lakang sa unahan nga ingun

Ani kab-ota ang pangan-doy mo

Maglawig na ka karon

E mu papabureng managi ya ing kekang panagimpan

Mga magpapaubos diri dapat pamatian

Ngunyan ang tamang panaon ngane ika higusan

Kipol ka bungat

A-abutin ang ‘yong mithiin

Ba-bagbagin mga balakid

Ka-kampi ang mga tala (kakampi ang mga tala)

Mundo mo ito

Da-dampian mo ng pag-asa (pag-asa)

Magtiwala ka sa ‘yong sarili (whoa, ohh)

Ga-gabay mo si Bathala (yeah)

Mundo mo ito

Abakada, awitin mo (abakada)

Bilang isa, dalawa, tatlo (a-abakada)

Bayanihan ikaw, ako

Mundo mo ito

Abakada, awitin mo (awitin mo)

Bilang isa, dalawa, tatlo (woah, ohh)

Bayanihan ikaw, ako

Mundo mo ito

O minsan ay mabibigo

Pagtatawanan at ilulubog, nandito ako

Anuman ang pinagdaraanan

At agam-agam sa isipan

Hinding-hindi ka iiwan

A-abutin ang ‘yong mithiin (mithiin)

Ba-bagbagin mga balakid (bagbagin mga balakid)

Ka-kampi ang mga tala

Mundo mo ito

Da-dampian mo ng pag-asa (pag-asa)

Magtiwala ka sa ‘yong sarili

Ga-gabay mo si Bathala

Mundo mo ito

Abakada, awitin mo (awitin mo)

Bilang isa, dalawa, tatlo (dalawa, tatlo)

Bayanihan ikaw, ako

Mundo mo ito

Abakada, awitin mo (abakada)

Bilang isa, dalawa, tatlo (woah, ohh)

Bayanihan ikaw, ako

Mundo mo ito

Tiwala sa sarili, ga-gabay mo si Bathala (awitin mo)

Dire-diretso lang ‘di mo kailangan mabahala

Bilang isa, dalawa, tatlo

Alamat, handa, ‘rap