Josh Santana – Can'T Help Fallin (Tagalog Adaptation) Lyrics

Josh Santana Lyrics

“Can’t Help Fallin”

Tagalog version
Alam mo, ang ganda mo pala

‘Pag tumawa ang iyong mata

Hinahabol ko ang bawat mong tingin

Ngunit ito’y ‘di mo napapansin

Wala akong maipagmamayabang

Porma ko, pasimple-simple lang

Sino ba ako? Walang dating sa ‘yo

‘Di tayo bagay, sobra mong ganda talaga

‘Di ko alam hanggang kailan tayo

‘Di ko mabago ang ikot ng mundo

Pero sama ka sa aking biyahe

Atin lamang ang araw na ito

Ang buhay, oh, sinasakyan lang ‘yan

‘Di ko alam ang tungo kung saan

‘Pag sumama ka sa aking biyahe

Iaalay ko ang puso ko

Oh, kay sarap mong kasama

Napapawi mga problema

Magaan dalhin, kay sarap lambingin

‘Yun nga lang ay kaibigan kita

Akala ko, mapipigil ko

Pero laging nahuhulog sa ‘yo

Nang ‘yong nabuking, tinanong sa ‘kin

“Dapat bang pagbigyan pag-ibig natin?” Mahalin

‘Di ko alam hanggang kailan tayo

‘Di ko mabago ang ikot ng mundo

Pero sama ka sa aking biyahe

Atin lamang ang araw na ito

Ang buhay, oh, sinasakyan lang ‘yan

‘Di ko alam ang tungo kung saan

‘Pag sumama ka sa aking biyahe

Iaalay ko ang puso ko

Sa iba’y ito’y laro lamang

Away-away, puro selos lang

Ang iba, nagsisisi

Ang sabi, “‘Wag na ‘wag ko raw pasukan”

‘Wag naman

‘Di ko alam hanggang kailan tayo

‘Di ko mabago ang ikot ng mundo

Pero sama ka sa aking biyahe

Atin lamang ang araw na ito

Ang buhay, oh, sinasakyan lang ‘yan

‘Di ko alam ang tungo kung saan

‘Pag sumama ka sa aking biyahe

Iaalay ko ang puso ko

Alay ko ang puso ko