Josh Santana – Mahal Naman Kita Lyrics

Josh Santana Lyrics

“Mahal Naman Kita”

Talaga yatang walang pag-asa

Upang ako’y iyong ibigin pa

Pa’no mangyayari ngayong ako’y ‘di mo pansin?

Pa’no mo malalamang sa ‘yo’y may pagtingin?

Lagi na lamang sa aking isipan

Sana naman’y iyong maramdaman

Masabi ko na sana na minamahal kita

Do’n mo lang malalamang pag-ibig ko’y hanggang…

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa?

Bakit may mahal ka nang iba?

Ngunit ‘di bale na kahit mahal mo siya

Mahal naman kita

Kung totoo lahat ng ‘yan

Sana ako’y nangangarap na lang

Masayang man ay pangarap lamang (pangarap lamang)

‘Di naman ako gaano masasaktan

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa?

Bakit may mahal ka nang iba?

Ngunit ‘di bale na kahit mahal mo siya

Mahal naman kita

Paano mangyayari ngayong ako’y ‘di mo pansin

Pa’no mo malalamang pag-ibig ko’y hanggang…

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa?

Bakit may mahal ka nang iba?

Ngunit ‘di bale na (‘di bale na)

Kahit mahal mo siya (kahit mahal mo s’ya)

Mahal naman kita

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa?

Bakit may mahal ka nang iba?

Ngunit ‘di bale na kahit mahal mo siya (kahit mahal mo s’ya)

Mahal naman kita (mahal naman kita)