Julie Anne San Jose – Tayong Dalawa Lyrics

Julie Anne San Jose Lyrics

“Tayong Dalawa”

Pano ang yong pangako kung ikaw ay malayo

Sana’y di ka magbago eto na naman

Kailangan mong lumisan

Ang hirap mong bitawan

Magkahawak ang kamay sa panaginip sumisilip

Ang mga bituin para sa’yo ay aking iipunin

Ang iyong tinig aking susundan

Bigyang ilaw ang walang hanggan

Kahit suntok sa buwan

Tayong dalawa ah (ah)

Tayong dalawa ah tayong dalawa ah (ah)

Tayong dalawa ah

Bitin sa alapaap sakin ay yumakap

At ika’y makausap ang aking dalangin

Muli ika’y makapiling

Di kita kayang tiisin

Magkahawak ang kamay (sa panaginip sumisilip)

Ang mga bituin para sa’yo (ay aking iipunin)

Ang iyong tinig aking susundan

Bigyang ilaw ang walang hanggan

Kahit suntok sa buwan

Tayong dalawa ah (ah)

Tayong dalawa ah tayong dalawa ah (ah)

Tayong dalawa (ah)

Pusong ito ay hanap ka (ay hanap ka)

Parang baliw parang tanga (parang tanga)

Naghihintay lang ba ko sa wala

Andyan pa ba ang iyong nadarama

Meron pa ba o meron ka ng iba (o meron ka ng iba)

Tayong dalawa ah tayong dalawa (ah)

Oh tayong dal’wa ah (ah)

Tayong dalawa ah oh (ah)