Sampaguita – Laguna Lyrics

Sampaguita Lyrics

“Laguna”

Ah ah ah ah
Halika na sa kabukiran

At ang paligid ay masdan

Sari-saring mga taniman

Ang makikita sa daan

Sariwang hangin sa tabing baybayin

Parang pangarap na tanawin

Bundok na kagubatan gintong palayan

Malawak na karagatan

Mga ibong nagliliparan

At pagdapo’y nag-aawitan

Mga punong nagtataasan

Parang paraisong tingnan

Ibang paningin ang mapapansin

Na gigising sa ‘yong damdamin

Malalagim ka sa ‘yong nakikita

Pagkat walang kasing ganda

Laguna nang ito ay marating ko (Laguna)

Para bang ako ay nagbago (Laguna )

Kakaibang damdamin (ah)

Ah

Laguna ay isang larawan

Ng tunay na kaligayahan

Ito’y ina ng kalikasan

Na nasa puso ninuman

Kahit nasaan ay nasa isipan

At nararamdaman

Sa paglalakbay ay laging kasama ko

Ang magandang karanasan (Laguna)

Nang ito ay marating ko (Laguna)

Para bang ako’y nagbago (Laguna )

Kakaibang damdamin (ah Laguna)

Nang ito ay marating ko (Laguna)

Para bang ako’y nagbago (Laguna )

Kakaibang damdamin (ah)

Kung iisipin mo (Laguna)

La la la (Laguna)

La la la (Laguna)

Nang ito ay marating ko (Laguna)

Para bang ako’y nagbago (Laguna)

Kakaibang damdamin (ah)

Kung iisipin mo (Laguna)

Na na na (Laguna)

Na na na (Laguna)

Nang ito ay marating ko (Laguna)

Para bang ako ay nagbago (Laguna )

Kakaibang damdamin (ah)

Kung iisipin mo (Laguna)

Na na na (Laguna)

Na na na (Laguna Laguna Laguna ah Laguna Laguna Laguna)