Loonie – Meron Pa Lyrics

“Meron Pa”

by Loonie ft. KV (PHL)

[Intro: KV]

May bangka na magagaling pero tinatahak nila lalo na sa madilim

Puro patibong para malaglag do’n sa bangin

Pero gusto ng mga pating, sobrang nakakaaning

Magpatiwakal kaya gamit sariling angkla (Angkla, angkla)

[Chorus: KV]

Pero ang tanong may ikakasa pa ba? Meron pa

Hanggang sa huling hininga hanggang magtugma, ibibigay ko lahat

’Yung tao sa salamin, okay ka lang ba?

‘Di pwedeng humiling, dahil inaasahan

Bituin sisipatin kahit tapak-tapakan

May ikakasa pa ba? Meron, meron

May ikakasa pa ba? Meron, meron

‘Yung tao sa salamin, okay ka lang ba?

’Di pwedeng humiling, dahil inaasahan

Bituin sisipatin kahit tapak-tapakan

[Verse 1: Loonie]

Ni-record ko ‘to, dalawang araw bago ma-release

Ngayon lang ako nakagawa ng gan’to kabilis

Ilang weeks nang pabalik-balik sa studio, nagmi-mix

Nami-miss ko na ang aking kids, daming gigs

Happenings, pagdiriwang at piging, napilitan magtiis

Sarili na marketing, kapatid ko budgeting

Manager ko magaling, yeah, aggregator ko bilib

Paborito ko ‘tong beat, nabili ko ‘to kay Jing

Tapos KV for the win at isang mahabang verse ang napili kong gawin

Kung ako, ikaw siguradong mapipikon ka rin

‘Pag nabiktima ka na ng mga C-E-O sa scene

Sana naman makuha mo ang ibig kong sabihin

Sensitibong usapin at desididong ungkatin

Walang pake kahit sa kritisismo ulanin

Tatalo sa’yo kapwa Pilipino mo lang din

Daming inggit na gusto kang galitin

Daming sipsip na gusto kang gamitin

Madalas kabaliktaran ang kanilang sasabihin

Ikaw lunok na lang kung ‘di wala kang kakainin

’Yung iba d’yan ikaw ay aasintahin

Aapir sa’yo, ikaw naman aapir ka rin

Maya-maya bigla ka na lang papapirmahin

Tapos sa dulo biglang ikaw pa ang babaliktarin, aba, iba rin

[Verse 2: Loonie]

Tapos marami pa ring inggit

Palaging nagngingitngit, sa galit nakatiktik

Sa bawat tweet at retweet, bwisit na bwisit, gustong manakit

’Kala mo naman talaga kayang kumalabit

Teka, akala ko ba ako ay ‘di mo trip?

Pero nung ako’y na-meet bakit panay pa-video greet

At picture-picture cheek to cheek, mas hypocrite ka pa sa Catholic

Na nag-trick or treat, you’re piece of shit

Sunod-sunod na kamalasan naranasan

Sabay-sabay porkеt alam na malakas kalaban

Pangalan ko ginagamit sa kalapastanganan

Ganyan talaga ’pag ang pasa’y kataas-taasan

Ngunit sa kabila ng lahat ay magpapatuloy

Hindi magpapa-luho’y o aasa sa abuloy

Kami pan-[?], ukiradang pamarukoy

Sasalubong sa alon pero sasabay sa ugoy

Panghihinaan ngunit ‘di masisiraan ng loob

Kahit maraming maingay na nanghihila palubog

Tandaan na mas matulin ang liwanag sa tunog

Kaya ligtas ka sa kidlat ‘pag narinig mo ang kulog

[Outro: Loonie]

Malabo mang marating, ganado kong gagawin

Mas gusto ko pang maging, mas mahusay pa sa dating

Ako na akala ko ay masyado ng magaling

Tanging tatalo sa’kin ay ‘yung tao sa salamin

‘Di ako babasagin, lalong papalakasin

Ng isip, puso, kaluluwa, at katawan na rin

“Meron Na” album ko sa Spotify, handa na ma-stream

Kung tanong mo, “Mеron pa?”, marami pang paparating