Loonie – Salamat Po Lyrics

“Salamat Po”

by Loonie ft. Omar Baliw & Rhyne

[Chorus: Rhyne]

Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta

Naging gabay sa’king daanang ‘di uminda

Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta

Naging gabay sa’king daanang ‘di uminda

Sa bawat hamon, salamat, salamat

[Verse 1: Omar Baliw]

Alam mo na kung sino ‘to kaya salamat agad

Salamat po sa buhay kong sagad, salamat sagad

Salamat sa mga aray na kasabay sa lakbay

Salamat din sa mga aral, galing sa’king sablay

Salamat nakatayo, salamat ‘di bumigay

Salamat nakalayo, salamat din dumighay

Salamat nalampasan ‘yung malubak na daan

Salamat dahil may sagot na kung papunta saan

Salamat sa mga biyaya na dumadating

Salamat may solusyon na, ‘di na dumadaing

Salamat dahil mas tumatagal bumabangis

Salamat sa sarili ko, walang pumapanis

Kaya ‘ko magdasal ngayon ta’s ‘sasalamat lang

Ibabalik lahat sa mga nararapat lang

Salamat, thank you, matsala pati arigato

Hindi na maaawat kay saya aribato, uh

You might also like

Tugmang Preso

Loonie

Kapayapaan

Loonie

Eroplanong Papel

Loonie

[Chorus: Rhyne]

Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta

Naging gabay sa’king daanang ‘di uminda

Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta

Naging gabay sa’king daanang ‘di uminda

Sa bawat hamon, salamat, salamat

[Verse 2: Loonie]

Pasasalamat sa bawat umagang gumigising

Sa bawat butil ng kanin sa plato na nagiging

Lakas sa araw-araw pagkatapos kong kainin

Salamat sa pag-ibig, sa musika at sining

Salamat at ako’y hindi sakitin

Merong kamang nahihigan kahit walang ka-siping

Sa kabila ng pagkabilanggo at mga hiring

Salamat at mga anak ko ay aking kapiling

Pasasalamat sa lahat ng mga tunay kong kaibigan ko na lagi nand’yan

Pasasalamat sa lahat ng mga nag-alis sa akin sa maling daan

Pasasalamat sa aking pamilya na maaasahan ko kahit saan

Pasasalamat sa mga kalaban kayo ang rason kung ba’t nasilaban

Mga salitang matatamis, mapapait at maaalat

At madalas maging sanhi nang nasawing mga pangarap

Parang pangako, mahal kita patawad

Walang anuman ang makakadaig sa salitang salamat

[Chorus: Rhyne]

Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta

Naging gabay sa’king daanang ‘di uminda

Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta

Naging gabay sa’king daanang ‘di uminda

Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta

Naging gabay sa’king daanang ‘di uminda

Sa bawat hamon, salamat, salamat

Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta

Naging gabay sa’king daanang ‘di uminda

Sa bawat hamon, salamat, salamat