Naririnig pa ba’ng pagtawag sa ngalan mo
Sa bawat dalangin sa Diyos ay habilin
Ha kung pangako ba’y abot sa kabilang mundo
Makakarating kaya sumpa ng pag-ibig giliw
Diyan ba sa langit ala-ala pa ba
Ang pangakong walang hanggan
Giliw diyan ba sa langit patuloy mong iibigin
Itong ating pag-ibig hanggang diyan ba sa langit sinta
Bawat pagluha ba ay nararamdaman mo (nararamdaman)
Ang pangungulila sa aking pag-iisa (ang pangungulila sa aking pag-iisa)
Ibubulong sa buwan na twina’y tanglawan ka
Sa bawat gabing ika’y balot ng lungkot at giliw (bawat gabing ika’y)
Diyan ba sa langit ala-ala pa ba
Ang pangakong walang hanggan
Giliw diyan ba sa langit patuloy mong iibigin
Itong ating pag-ibig hanggang diyan ba sa langit sinta
Tayo’y isang awit na ‘di magtatapos (‘di magtatapos)
Hanggang sa muling pagtatagpo (hanggang sa muling pagtatagpo)
Diyan ba sa langit ala-ala pa ba
Ang pangakong walang hanggan
Oh giliw diyan ba sa langit patuloy mong iibigin
Itong ating pag-ibig hanggang diyan ba sa langit sinta
Diyan ba sa langit (naala-ala pa ba)
Ang pangakong walang hanggan (oh)
Diyan ba sa langit patuloy mong iibigin (diyan ba sa langit ako’y iibigin)
Itong ating pag-ibig hanggang diyan ba sa langit sinta