Joey Ayala – Tabi Po Lyrics

Tabi po, tabi po
Naglakad ako sa daang putikan

Sa sobrang dulas ay napilitang magyapak

Hinubad ko ang bagong sapatos ko

Tinali sa aking backpack

Gumapang paakyat sa putik at bato

At nakarating sa balikat ng bundok

Naglakad paloob sa makapal na kahuyan

Nakarating sa daang madamo

Nang sapatos ko’y isusuot na sana

Kanan na lamang ang natitira

Kung saan naman nakarating ang kaliwa’t

Binalik-balika’y ‘di pa rin makita

Ano ngayon, ano ngayon ang gagawin ko?

Iisa na lamang ang sapatos ko

Ito na ba ‘yung sinasabi nilang pinaglaruan?

Tabi po, tabi po, palabiro

Mapaglarong engkanto

Tabi po, tabi po, palabiro

Mapaglarong engkanto

Tabi po, tabi po, palabiro

Mapaglarong engkanto

Tabi po, tabi po, palabiro

Sa awa ng Diyos, ako nama’y nakarating

Sa pook-tulugan, takipsilim na

Inabutan ng antok, dala ng pagod at dilim

At hihigan ko’y inilatag na

Nang ang mga mata ko ay pumipikit-pikit

Biglang nagliwanag ang langit

Ako’y tumingala at ang nakita ko

‘Di mabilang na bituing nanggigising ‘

‘Sang korong kuliglig, nag-awitan bigla

‘Sang pangkat ng palaka’y nagkokokak-kokakan

Mga dahon at sanga’y nagpalakpakan

Paano matutulog n’yan?

Tabi po, tabi po, palabiro

Mapaglarong engkanto

Tabi po, tabi po, palabiro

Mapaglarong engkanto

Tabi po, tabi po, palabiro

Mapaglarong engkanto

Tabi po, tabi po, palabiro

Sa awa ng Diyos, nakatulog din ako

Dikit sa lupa’t himbing na himbing

At ang una kong nakita sa pagdilat sa umaga’y

‘Sang paris ng sapatos kamukha nu’ng akin

Bumangon ako’t tiningnan ang sapatos

Walang kaduda-duda na sa akin nga ito

Kung paano nabuo, ‘di ko po alam

Ito na nga siguro ‘yung pinaglaruan

Uminom ako sa ilog

Ngunit lalong nauhaw

Naupo sa batong malaki

‘Yun pala ay kalabaw

Hinanap ang daang pababa

Ngunit lalo akong nawala, ah-ah, ah-ah-ah-ah-ah-ah (tabi po)

Tabi po, tabi po (tabi po), palabiro

Mapaglarong engkanto (tabi po)

Tabi po, tabi po (tabi po), palabiro

Mapaglarong engkanto (tabi po)

Tabi po, tabi po (tabi po), palabiro

Mapaglarong engkanto (tabi po)

Tabi po, tabi po (tabi po), palabiro

Mapaglarong engkanto (tabi po)

Tabi po, tabi po, tabi po (tabi po, tabi po, palabiro)

Mapaglarong engkanto (tabi po)

Tabi po, tabi po, tabi po (tabi po, tabi po, palabiro)

Mapaglarong engkanto (tabi po)

Tabi po, tabi po, tabi po (tabi po, tabi po, palabiro)

Mapaglarong engkanto (tabi po)

Tabi po, tabi po, tabi po (tabi po, tabi po, palabiro)

Mapaglarong engkanto (tabi po)

Tabi po, tabi po