Hajji Alejandro – May Minamahal Lyrics

May minamahal bawat taong may damdamin

May minamahal tulad mo at tulad ko

Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig

At ngayo’y nagmamahalan nang tapat

‘Pag nagmamahal, bawat sandaling kasiping kay anong bilis

Bawat oras ay mayro’ng kasaysayang anong sarap

Anong tamis (anong tamis)

Maligaya nga ang taong nagmamahal

Kaya’t ako’y napaligaya

Ng tunay mong pagmamahal

Ang lahat ng kagandahan ay nasa ‘yo

Ningning ng mata, lambot ng labi

At ugaling walang kapintasan

Nababalot ng alindog katawang tunay

‘Pag minamahal, kulay rosas ang paligid ko sa tuwi-tuwina

Nakayapak sa ulap, buong mundo’y nagagalak

Na mayroong (na mayroong)

Nagtatalik na dal’wang pusong nagmamahal

Kaya’t tayo’y magpasalamat

Sa ating kapalaran

Nasa atin ang kaganapang hinahanap

Ng bawat nilalang na may puso rin

Dahil tayo’y hindi magbabago hangga’t may buhay

May minamahal bawat taong may damdamin

May minamahal tulad mo at tulad ko

Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig

Kaya’t habang may pag-asa kayo

Humanap ng pag-ibig na totoo

Saka lang liligaya (saka lang liligaya)

Kung mayro’n nang tunay na minamahal

May minamahal bawat taong may damdamin

May minamahal tulad mo at tulad ko

Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig

Kaya’t habang may pag-asa kayo

Humanap ng pag-ibig na totoo

Saka lang liligaya (saka lang liligaya)

Kung mayro’n nang tunay na minamahal

Kung tunay na minamahal