Asin – Ang Bayan Kong Sinilangan Lyrics

Ako’y isinilang sa isang bayan ng Cotabato

Kasing gulo ng tao

Kasing gulo ng mundo

Dahil di magkasundo

Sa relihiyon at prinsipyo nagkagulo

Ang bayan ko sa Cotabato

Kasing gulo ng isip ko

Di alam kung saan nanggaling

Di alam kung saan patungo

Kapatid sa kapatid

Laman sa laman

Sila-sila ang naglalaban

Di ko alam ang dahilan ng gulo

Bakit nagkaganon ang sagot sa tanong ko

Bakit kayo nag-away bakit kayo nagkagulo

Prinsipyo mo’y igagalang ko kung ako’y iyong nirespeto

Kung nagtulungan kayo

Di sana magulo ang bayan ko

Sa bayan kong sinilangan sa timog Cotabato

Ako ay namulat sa napakalaking gulo

Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao

Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo

Ang gulo

Ako’y nananawagan

Humihingi ng tulong n’yo

Kapayapaa’y bigyan ng daan

Kapayapaan sa bayan ko

Bakit kailangan pang maglaban

Magkapatid kayo sa dugo

Kailan kayo magkakasundo

Kapayapaa’y kailan matatamo ng bayan ko

Kung ako’y may maitutulong

Tutulong nang buong puso

Gitara ko’y aking inaalay

Kung magkagulo’y gamitin mo

Kung ang kalaba’y walang puso

Puso na rin ang gamitin mo

Ituring mong isang kaibigan

Isipin mong siya’y may puso rin katulad mo

Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo)

Sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)

Ako ay namulat (kailan matatapos)

Sa napakalaking gulo (ang gulo)

Dahil walang respeto (kailan magkakasundo)

Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)

Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino)

Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)

Ang gulo

Related