Halos lahat ay nagtatanong doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran na aking pinagmulan
Sila’y nalilito, ba’t daw ako nagkaganito
Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam
Magulang ko’y ginawa na ang lahat ng paraan
Upang mahiwalay sa aking natutunan
Subalit iniwan ko ang ibinigay na karangyaan
Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba’t ako naglalakbay
Kaya ngayon, ako’y narito upang ipaalam
Na ‘di ako nagkamali sa aking daan
Gantimpala’y ‘di ko hangad na makamtan
Kundi ang malamang tama ang aking ginawa
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba’t ako naglalakbay
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba’t ako naglalakbay