Sayang ka pare ko
Kung ‘di mo ginagamit ang ‘yong talino
Sayang ka aking kaibigan
Kung ‘di mo ginagamit ang ‘yong isipan
Ang pag-aaral ay hindi nga masama
Ngunit ang lahat ng pinag-aralan mo’y matagal mo nang alam
Ang buto ay kailangan diligin lamang
Upang maging isang tunay na halaman
Pare ko sayang ka
Kung ika’y musikerong walang magawang kanta
Sayang ka kung ikaw
Ay taong walang ginawa kundi ang gumaya
Ang lahat ng bagay ay may kaalaman
Sa lahat ng bagay sa kanyang kapaligiran
Idilat mo ang ‘yong mata ihakbang ang mga paa
Hanapin ang landas ng patutunguhan
‘Pagkat ang taong mulat ang mata
Lahat ng bagay napapansin n’ya
Bawat kilos niya’y may dahilan
Bawat hakbang may patutunguhan
Kilos na sayang ka
Sayang ka aking kaibigan
Kung ‘di mo makita ang gamit ng kalikasan
Ang araw at ulan
Sila ay narito iisa ang dahilan
Sayang ka kung wala kang nakita sa ulan
Kundi ang basa sa ‘yong katawan
Sayang ka kung wala kang nakita sa araw
Kundi ang sunog sa ‘yong balat
‘Pagkat ang taong mulat ang mata
Lahat ng bagay napapansin n’ya
Bawat kilos niya’y may dahilan
Bawat hakbang may patutunguhan
Kilos na sayang ka