Magulang, makinig kayo
Sa aral ng kantang ito
Magulang, ‘di ba gabay kayo
Sa landas na tinatahak ko?
Ba’t ako nakakulong
Sa mundong gumugulong?
Ba’t ako’y litong-lito?
Sa buhay ay tuliro
Saan ba tutungo?
Magulang, ako ba’y huwaran
Ng anak na nasa lansangan?
Magulang, ano ang sandigan
Ng lahat na katotohanan?
Sanlibo’t isa ang naglundagan
Sa bangin ng kapalaran
Iabot mo ang iyong kamay
Kung ikaw ang s’yang gabay
At maliwanagan (magulang)
Magulang (magulang), unawain ninyo (unawain ninyo)
Ang lahat (ang lahat) na pagkukulang n’yo (na pagkukulang n’yo)
Magulang (magulang), ituwid ninyo (ituwid ninyo)
Ang lahat (ang lahat) na kamalian n’yo (na kamalian n’yo)
Ituro n’yo ang tamang daan
Huwag lamang sa salita
Nais kong masaksihan
Na ang inyong ginagawa
Ay para sa kapakanan ng mga bata
Magulang (magulang), makinig kayo (makinig kayo)
Magulang (magulang), mahal namin kayo (mahal namin kayo)
Magulang (magulang), makinig kayo (makinig kayo)
Magulang