Kapag sumilip ang buwan
Sa sulok ng iyong bintana
Hahaplusin ka ng liwanag
Sa gabing tulog ang Ingay
At naglalaro sa isip
Ang tawag ng kamusmusan
Sa kulay ng talang tahimik
Maglalaro sa kanyang ilaw
Ayaw matulog ng buwan
Nakayuko lagi sa lupa
Kahit dilim ay nakabalot
Nakangiti sa kalawakan
Kaibigan kung may galit
Sa kapwa mo na magpatawad
At sa mga maling akala
Ang walang malay ay malaya
Tulad ng layaw ng buwan
Inaaliw ang iyong lumbay
Sa lawak ng gabing bughaw
Liwanag niya’y kawangis ng ngiting may laya
Kapag sumilip ang buwan
Sa sulok ng iyong bintana
Hahaplusin ka ng liwanag
Sa gabing tulog ang Ingay
Ayaw matulog ng buwan
Nakayuko lagi sa lupa
Kahit dilim ay nakabalot
Nakangiti sa kalawakan
Ang buwaN
Oooooohh, aaaahhh
Oooooohh, aaaahhh