Asin – Anak Lyrics

No’ng isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo’y

‘Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla ng gatas mo

At sa umaga nama’y kalong ka ng

Iyong amang tuwang-tuwa sa’yo

Ngayon nga’y malaki ka na

Nais mo’y maging malaya

‘Di man sila payag

Walang magagawa

Ikaw nga’y biglang nagbago

Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila’y sinuway mo

‘Di mo man lang inisip

Na ang kanilang ginagawa’y

Para sa iyo

‘Pagka’t ang nais mo’y

Masunod ang layaw mo

‘Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw

At ang landas mo’y naligaw

Ikaw ay nalulong

Sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan

Ang iyong inang lumuluha

At ang tanong, “Anak

Ba’t ka nagkaganyan?”

At ang iyong mata’y

Biglang lumuha nang ‘di mo pinapansin

Pagsisisi at sa isip mo’t

Nalaman mong ika’y nagkamali

Pagsisisi at sa isip mo’t

Nalaman mong ika’y nagkamali

Pagsisisi at sa isip mo’t

Nalaman mong ika’y nagkamali

Pagsisisi at sa isip mo’t

Nalaman mong ika’y nagkamali

Related