Asin – Pag-asa Lyrics

Noong una kitang makita, ako’y natuwa

At may hawak ka pang lumang gitara

Inawit mo ang isang tugtuging nagbigay saya

Sa aking damdaming nagdurusa

Binigyan mo ako ng pag-asa

Nilutas mo ang aking mga problema

Sana ‘wag kang mawala (sa piling ko)

Sana ‘wag kang mawala

Dinagdagan mo ng lakas ang aking kalooban

Upang tanggapin ang katotohanan

Dinagdagan mo ng lakas ang aking kahinaan

Upang harapin ang kahirapan

Ginising mo ang tulog kong isipan

Inilawan mo ang dilim kong kapaligiran

Sana ‘wag kang mawala (sa piling ko)

Sana ‘wag kang mawala

Noong unang wala ka pa, ako’y litong-lito

Dahil sa mundong kay gulo

Ngayon, sa piling mo, ako ay nahango

At nagkaisip nang matino

Sana hindi ka na magbago

Mula ngayon, hanggang sa dulo

Sana ‘wag kang mawala (sa piling ko)

Sana ‘wag kang mawala

Related