Mahirap isipin kung papaano
Ngunit ang kasagutan ay nasasaiyo
Nasaan ka sa mundong ito
Anong nagawa mo sa kapwa mo
Bakit may mga taong nanglalamang
Sa mga tao na kaunti lang ang alam
Hindi mo ba alam
Na ang buhay natin ay hiram lamang
Ba’t nagkaganito
Bakit ka nandirito
Hindi mo ba nalalaman
Na iisa lang ang ating hantungan
Walang iba kundi ang libingan
Bakit ganoon ang tao sa lipunan
Marami sa kanila ang gahaman
Ang tanging hangad ay magpayaman
Di bale kahit kapwa’y matapakan
Lahat ng adhikain tungo sa kasamaan
Ngunit ang nasa bibig ay puro kabutihan
Marahas na paraan ang tanging alam
Kahit ang maykapal ay gusto pang higitan
Ba’t nagkaganito
Bakit ka nandirito
Hindi mo ba nalalaman
Na iisa lang ang ating hantungan
Walang iba kundi ang libingan
Ang tanong ko ngayo’y ganito
Sa lahat na nandirito
Tingan mo ang iyong anino
Yan ba ay sa iyo