Barbie Almalbis – Pag-Alis Lyrics

Kung wala ka nang gustong sabihin

Huwag ka nang tumigin ng ganyan

Kung bukas ako’y kalilimutan

Sana naman ngayo’y di mo na isiping

Ako’y tawagin

At habang may panahon

Huwag na nating hintaying lumalim pa

At masakit nang tanggapin

Ang pag-alis ng iyong liwanag

Na gumising sa mahabang gabi

Ika’y langit ngunit baka masanay

At di na kakayanin ang iyong pag alis

Kung wala ka ng gustong marinig

Ako’y aalis at mananahimik

Ang kahapon na nais kong limutin

Sana naman huwag ng manumbalik

At bigyan pansin

At habang may panahon

Huwag na nating hintaying lumalim pa

At masakit nang tanggapin

Ang pag-alis ng iyong liwanag

Na gumising sa mahabang gabi

Ika’y langit ngunit baka masanay

At di na kakayanin ang iyong pag alis

Ang pag-alis ng iyong liwanag

Na gumising sa mahabang gabi

Ika’y langit ngunit baka masanay

At di na kakayanin ang iyong pag alis