‘Di ko pansin ang kislap ng bituin
‘Pag kapiling ka, sinta
Kahit liwanag ng buwan sa gabi
‘Di ko na masisita
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko
‘Di ko pansin ang bango ng Jasmin
‘Pag kapiling ka, sinta
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas, hindi matataranta
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
At ikaw nga, tanging ikaw, sinta
Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo, ooh
‘Di ko pansin ang bawat sandali
‘Pag kapiling ka, sinta
Bagyo’t ulan, kidlat o kulog man
‘Di ko napapansin, sinta
Iisa lamang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailanma’y makapiling ka
Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo, hoh
Tanging ikaw
(Umaga, hapon, kahit magdamag)
(Laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa sa piling mo
(Ikaw ang tunay na ligaya)
(Tanging ikaw, sinta)
(Umaga, hapon, kahit magdamag)
(Laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa sa piling mo
Tanging ikaw
(Umaga, hapon, kahit magdamag)
(Laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa…