Anthony Castelo – Maghihintay Ako Sa 'Yo Lyrics

Maghihintay ako sa ‘yo

Na magbalik sa piling ko

‘Pagkat iniibig kita, hirang

Ang araw man ay lumamig

At bituin ma’y magdilim

Ako ay maghihintay rin, giliw

May sugat pang damdamin mo

Ngunit giliw ko

Ako’y nagsikap ng magbago

Nang dahil sa ‘yo

Maghihintay ako sa ‘yo

Ng habang buhay

Sana’y pakinggan mo

Ang tinig ko

Hanggang kailan magdurusa

Ang puso kong nagmamahal

Aanhin ko ang ibang pagsuyo

Ang hanap ko’y ikaw

Maghihintay ako sa ‘yo

Ng habang buhay

O, pagmasdan mo ang luha

Ng pusong nagdurusa

Habang buhay maghihintay…