Alexa Ilacad Lyrics
“Hiwaga”
Ako’y nakatingin sa kahel na langit
Sa paglingon ko sa aking tabi
Nasisilaw sa iyong ngiti
Wala na ako mahihiling pa
Kung ‘di itong sandaling kasama ka
Sa paglubog ng araw
‘Wag ka sanang bumitaw
‘Wag ka sanang bumitaw
Kumapit ka lang hanggang sa lumitaw
Ang tanging hiwaga ng bagong umaga
Nating dalawa
Hanggang sa pagdilim (hanggang sa pagdilim)
Aninag mo’y pansin (pansin)
At kahit ang buwan ay naiinggit
Sa kislap ng ‘yong pagningning (pagningning)
Wala na akong mahihiling pa
Kung ‘di itong sandaling kasama ka
Sa paglubog ng araw
‘Wag ka sanang bumitaw
‘Wag ka sanang bumitaw
Kumapit ka lang hanggang sa lumitaw
Ang tanging hiwaga ng bagong umaga
Bumuhos man ang ulan
Sabay na’ting sasayawan at bubuo ng
Sarili na’ting liwanag
Sa paglubog ng araw
‘Wag ka sanang bumitaw
‘Wag ka sanang bumitaw
Kumapit ka lang
Hanggang sa lumitaw
Ang tanging hiwaga
Ng bagong umaga na’ting dalawa
Hiwaga nating dalawa