After Image – Pagtawid Lyrics

After Image Lyrics

“Pagtawid”

May isang araw na bago tayo pumanaw

Lahat ng ating pinangarap, atin nang matatanaw

Hintay-hintayin, ito’y maaabot na rin

Sa pagbubuhos ng lakas at paggugugol ng galing


Isulong ang mga likha

Ipunin ang mga salita

Sa pagsasakop ng dilim

Ito’y maririnig pa rin


Isang araw, isang kulay

Isang hangarin na tunay

Ipagbigkis mga kamay

Sa pagtawid nitong tulay


‘di magtatagal at mumutawi ring lahat

Sa mga labi ang likas at katutubong salita

Tuunan ng pansin at liliwanag ang paningin

Sa mga kulay na ngayon ay bumabalot sa atin


Ibaling ang mga mata

Sa ulap at mga tala

Sa pagsasabog ng ningning

Ito’y maaabot na rin