Rivermaya – Pinoy Tayo Lyrics

Rico Blanco Lyrics

“Pinoy Tayo”

Lahat tayo’y may pagkakaiba

Sa tingin pa lang ay makikita na

Iba’t ibang kagustuhan

Ngunit iisang patutunguhan

Gabay at pagmamahal ang hanap mo

Magbibigay ng halaga sa ‘yo

Nais mong ipakilala

Kung sino ka man talaga

Pinoy, ikaw ay Pinoy

Ipakita sa mundo

Kung ano ang kaya mo

Ibang-iba ang Pinoy

‘Wag kang matatakot

Ipagmalaki mo

Pinoy ako, Pinoy tayo

Ipakita mo ang tunay at kung sino ka

Mayro’n mang masama at maganda

Wala namang perpekto

Basta’t magpakatotoo

Gabay at pagmamahal ang hanap mo

Magbibigay ng halaga sa ‘yo

Nais mong ipakilala

Kung sino ka man talaga

Pinoy, ikaw ay Pinoy

Ipakita sa mundo

Kung ano ang kaya mo

Ibang-iba ang Pinoy

‘Wag kang matatakot

Ipagmalaki mo

Pinoy ako, Pinoy tayo

Talagang ganyan ang buhay

Dapat ka nang masanay

Wala ring mangyayari kung ika’y laging nakikibagay

Ipakilala ang iyong sarili

Ano man ang mangyari

Ang lagi mong iisipin

Wala kang ‘di kayang gawin

Pinoy, ikaw ay Pinoy

Ipakita sa mundo

Kung ano ang kaya mo

Ibang-iba ang Pinoy

‘Wag kang matatakot

Ipagmalaki mo

Pinoy ako, Pinoy tayo

Pinoy ako, Pinoy tayo