Jimmy Bondoc – Yaya Lyrics

Jimmy Bondoc Lyrics

“Yaya”

May pag-ibig pa palang gan’to
Tila sumusubaybay ang buong mundo

Bawat tingin, bawat sulyap, walang bawal sa pangarap

May wakas ba ang hiwagang kay sarap?

Oh-oh-oh-oh

Yayayain kita sa tamang panahon, sa altar ng Poon

Yayakapin kita, kung hindi man ngayon, darating tayo ro’n

Kung mahal mo ako at ma-Alden kita

Balang araw tayo ring dalawa

Kahit pader, ‘di tayo mapaghiwalay

Kahit matatanda’y ‘di tayo masaway

Bawat puso’y sumisigaw, hinihintay lang ang araw

Na kahit isang saglit, ikaw ay matanaw, ooh-ooh-ooh

Yayayain kita (yain kita) sa tamang panahon (ooh-ooh), sa altar ng Poon

At yayakapin kita (kapin kita), kung hindi man ngayon (ooh-ooh), sa madaling panahon

Kung mahal mo ako at ma-Alden kita

Balang araw tayo ring dalawa, whoa-whoa

Kung may hahadlang sa pagmamahalan

Huwag mag-alala, puso ko’y sa ‘yo lamang

Panahon natin ito, bakit natin isusuko?

Balang araw, alaala natin ito, oh, oh-oh, oh-oh, ooh-ooh

Yayayain kita (yain kita) sa tamang panahon (ooh-ooh), sa altar ng Poon

At yayakapin kita (kapin kita), kung hindi man ngayon (ooh-ooh), sa madaling panahon

Kung mahal mo ako at ma-Alden kita

Balang araw tayo ring dalawa

Balang araw, sinta

Kung mahal mo ako at ma-Alden kita

Balang araw tayo ring dalawa