Jimmy Bondoc – Balang Araw Minette Lyrics

Jimmy Bondoc Lyrics

“Balang Araw Minette”

Kahit tulog ka na Minette

Nakangiti ka pang nakahiga’t nakapikit

Naglalaro ba’ng isip mo

Kasama ng mga anino

Nawala sa malay mo na ang masayang araw kanina’y tapos na

Tapos na’ng araw nating masaya

Kaming lahat ay gising pa

Lumuluha kaming nakadilat nagtataka

Tahimik na si papa

Naiiyak si mama

Nawala sa malay namin na Minette ika’y lumalaki na nga

Minette ika’y lumalaki na nga

Balang araw

Hahanapin mo ang pugad ng iyong katawan

At huhukayin mo ang nakaraan

Saka mo malalaman na binuwag na ng hangin

Ang pugad mong gawa sa buhangin

Paggising mo sa umaga

Wag kang magsusumpong

Dahil Minette mahal kita

Yakapin mo si mama

Kumalong ka kay papa

Inumin mo ang pag-ibig na ang Panginoon ang nagtimpla

Minette minamahal kang talaga

Balang araw

Hahanapin mo ang pugad ng iyong katawan

At huhukayin mo ang nakaraan

Saka mo malalaman na binuwag na ng hangin

Ang pugad mong gawa sa buhangin

Balang araw

Hahanapin mo ang pugad ng iyong katawan

At huhukayin mo ang nakaraan

Saka mo malalaman na binuwag na ng hangin

Ang pugad mong ang pugad mong

Ang pugad mo ay sa puso namin