Jimmy Bondoc – Kung Makikinig Ka Lang Lyrics

Jimmy Bondoc Lyrics

“Kung Makikinig Ka Lang”

Ang sabi mo’y ang dami mong hindi naiintindihan

Sa ating pag-iibigan

Ang sabi mo’y ang dami mong hindi nauunawaan

Sa ating pagmamahalan

Ngunit ako’y naniniwala

Na namamatay ang tala ng pag-iibigan

Pag may paghihinala (kung makikinig ka lang

Kapag tayo’y nag-uusap (kung makikinig ka lang)

Kapag tayo’y nangangarap (kung ang puso mo’y buksan)

Baka maintindihan

Na hindi lang tenga ang kailangan

Upang marinig mo ko puso’y buksan

Ah yeah oh
Kung papakinggan mo ang kanilang pakiwari

Na ako ay pakunwari

Kung papakinggan mo ang opinyong sari-sari (sinu-sino na lang)

Baka wala nang mangyari (baka wala nang mangyari)

Ngunit ako ay nananalig (tunay ang pag-ibig)

Na pag tunay ang pag-ibig (di na kailangan)

Ay di kailangan sa ibang tao pa makinig oh

Kung makikinig ka lang

Kapag tayo’y nag-uusap (kung makikinig ka lang)

Kapag tayo’y nangangarap (kung ang puso mo’y buksan)

Baka maintindihan (baka maintindihan)

Na hindi lang tenga ang kailangan

Upang marinig mo ako puso’y buksan (ah)

Di na bale ang mata (di na kailangan)

Di na bale ang tenga (lalo na yan)

Basta’t ang puso mo ay huwag na huwag isasara

Kung makikinig ka lang

Kapag tayo’y nag-uusap (kung makikinig ka lang)

Kapag tayo’y nangangarap (kung ang puso mo’y buksan)

Baka maintindihan (maintindihan mo lang)

Na hindi lang tenga ang kailangan yeah

Upang marinig mo ako puso’y buksan

Sana naman maintindihan

Upang marinig mo ako puso’y buksan