Roel Cortez – Itinadhana Sa Tagumpay Lyrics

Roel Cortez Lyrics

“Itinadhana Sa Tagumpay”

Bayan kong Pilipinas

Kung tawagin ay perlas ng silangan

Nahalina ang mga dayuhan

Sa paraiso naakit ang lahat

Bakit ba pababayaan mo

Buhay ma’y ibibigay para sayo

Ipinaglaban ang kalayaan at pagbabago

Upang tayo’y maging taas noo kahit kanino

Sigaw ito patunay sa mundo

Lakas ng bayan ay nagkaisang mga tao

Pilipino ipagpatuloy mo

Itinadhana ka sa tagumpay

Ako’y may dugong maharlika

Kayumanggi yan ang kulay ko

Ako’y Pinoy maging sa damdamin

Mula sa pagsilang likas na sa puso

Bayan kong pinagpala ng langit

Tungo sa bayang may kasaysayan

Bunga nito’y mayaman o mahirap

Dangal ng sariling lahi ika’y ibang-iba

Sigaw ito patunay sa mundo

Lakas ng bayan ay nagkaisang mga tao

Pilipino ipagpatuloy mo

Itinadhana ka sa tagumpay

Itinadhana ka sa tagumpay