Sa gitna ng dilim
Ako ay nakatanaw
Ng ilaw na kay panglaw
Halos ‘di ko makita
Tulungan mo ako
Ituro ang daan
Sapagkat ako’y sabik
Sa aking pinagmulan
Bayan ko, nahan ka
Ako ngayo’y nag-iisa
Nais kong magbalik
Sa iyo, bayan ko
Patawarin mo ako
Kung ako’y nagkamali
Sa landas na aking
Tinahak
Tinangay na ng hangin
Ang masamang panaginip
Kaya’t bigyan mo ng puwang
Ang puso mong nalulumbay
Isip mo’y unti-unting
Nawawala’t nalilito
Ang tulad mo’y parang usok
Unti-unting naglalaho…
INSTRUMENTAL….
Wala ka bang napapansin
sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati
na ang mga ilog natin.
hindi na masama ang pag-unlad
at malayu-layo na rin ang ating narating
ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
dati’y kulay asul ngayo’y naging itim
ang mga duming ating ikinalat sa hangin
sa langit huwag na nating paabutin
upang kung tayo’y pumanaw man, sariwang
hangin sa langit natin matitikman
mayron lang akong hinihiling
sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
gitara ko ay aking dadalhin
upang sa ulap na lang tayo
magkantahan
INSTRUMENTAL….
Ang mga batang ngayon
lang isinilang may hangin pa
kayang matitikman? may mga puno
pa kaya silang aakyatin may
mga ilog pa kayang lalanguyan?
bakit di natin pagisipan
ang nangyayari sa ating kapaligiran
hindi na masama ang pag-unlad kung
hindi nakakasira ng kalikasan
darating ang panahon mga ibong gala
ay wala nang madadapuan
masdan mo ang mga
punong dati ay kay tatag ngayo’y
namamatay dahil sa ‘ting kalokohan
lahat ng bagay na narito sa lupa
biyayang galing sa diyos
kahit nong ika’y wala pa
ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
pagkat pag kanyang binawi,
tayo’y mawawala na
mayron lang akong hinihiling
sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
gitara ko ay aking dadalhin
upang sa ulap na lang tayo
magkantahan