DJ Alvaro – Boyfriend Ko Lyrics

DJ Alvaro Lyrics

“Boyfriend Ko”

Ano na’ng nangyari sa ‘yo

Ba’t bigla kang naglaho

Ba’t ‘di ka na nagpapakita

‘Sang linggo na ‘kong nag-aalala

Sabi ko lang na ‘di magkakatugma

Ang iniskor mong pajama

Mukha mo ay ‘di na maipinta

Buong maghapon ay nakasimangot ka

‘Yan ang boyfriend ko

Matampuhin masyado

‘Di niya lang alam kung paano

Ang tunay na damdamin ko woh

Noong nakaraang buwang ito

Nagpagupit ka sa barbero

Itinanong ko lamang kung sino

Ang lokong sumabunot sa ‘yo

‘Di mo na ako kinikibo

Buong maghapong magkasama tayo

Sarili ko ang kausap ko

Para akong tangang nagsolo woh

‘Yan ang boyfriend ko

Matampuhin masyado

‘Di niya lang alam kung gaano

Ko kamahal ang loko woh

Pinansin ko naman minsan

Ang jockey mong polka dot

Nag-suggest akong ba’t ‘di na lang stripes

Nag-walkout ka’t iniwan mo akong nag-iisa

‘Yan ang boyfriend ko

Matampuhin masyado

‘Di niya lang alam kung gaano

Ko kamahal ang loko

Mahal ko siya kahit ‘di magkakatugma

Ang mga jockey niya’t pajama

Mahal ko siya kahit na

Out of this world ang porma

‘Yan ang boyfriend ko oh

Sakit sa ulo (‘yan ang boyfriend ko)

Pero siya ay mahal ko (‘yan ang boyfriend ko)

‘Yan ang boyfriend ko

‘Yan ang boyfriend ko

‘Yan ang boyfriend ko

‘Yan ang boyfriend ko

‘Yan ang boyfriend ko

‘Yan ang boyfriend ko