DJ Alvaro – Dear Archie Lyrics

DJ Alvaro Lyrics

“Dear Archie”

Naglalakad ka noon sa kalye

Nakatanaw ako sa may bintana

Nasulyapan kita’t lumingon pa ulit

Hay naku po natisod ka’t biglang nadapa

Agad-agad kang tumayo

Sabay lumingon nga

Habang ako’y

Mamatay-matay sa tawa

Ngunit alam mo tinamaan ako ni Kupido

Unang tingin ko sa ‘yo nabihag mo ang puso ko

Sabi ko sa sarili ko o Diyos ko

Ibigay n’yo sa akin ang binatang ito

Akala mo siguro walang nakakita sa ‘yo (akala mo siguro)

Agad nagtapat nagpatuloy nang taas-noo

Kung alam kong ika’y nahilo

Dahil pabalik na ang tinungo

Ngunit alam mo tinamaan ako ni Kupido

Unang tingin ko sa ‘yo nabihag mo ang puso ko

Sabi ko sa sarili ko o Diyos ko

Ibigay n’yo sa akin ang binatang ito

Alam mo ba na mahal kita

At alam kong ‘di nila ‘yon kaya

Mahirap yata ang madapa

Lalo na’t kung may nakakita

Ngunit alam mo tinamaan ako ni Kupido

Unang tingin ko sa ‘yo nabihag mo ang puso ko

Sabi ko sa sarili ko o Diyos ko

Ibigay n’yo sa akin ang binatang ito

Ngunit alam mo tinamaan ako ni Kupido

Unang tingin ko sa ‘yo nabihag mo ang puso ko

Sa gabi’y pinagdarasal ko o Diyos ko

Ibigay n’yo sa akin ang binatang ito

O Diyos ko ibigay n’yo sa akin ang binatang ito

O Diyos ko ibigay n’yo sa akin ang binatang ito