DJ Alvaro Lyrics
“Lino”
Si Lino ay isang binatang probinsiyano
At dahil sa hirap ng buhay doon sa baryo
Pinaluwas ng magulang sa siyudad na ito
Upang humanap ng isang magandang trabaho
Si Lino’y napadpad doon sa Retiro
At doo’y naging isang lalakeng agogo
Gabi-gabi’y umiindak nang bigay-todo
Lino o Lino ano ‘tong pinasok mo
‘Di lamang si Magdalena
‘Di lamang si Nena
‘Di lamang si Maria ang sinasamantala
Ng mga lalaking katulad ni Lino
Napuwing natukso sa kakarampot na mamiso
Katawa’t kaluluwa’y inilalako
Lino o Lino kailan pa magbabago
Ang sawing kalagayan mo
Kailan pa lalaya sa kuko ng pagdurusa
Kung ikaw kaya’y laos na
Kung ikaw kaya’y baog na
Kung ikaw kaya’y malapit na
Sa hantungan ng pahinga
‘Di lamang si Magdalena
‘Di lamang si Nena
‘Di lamang si Maria ang sinasamantala
Ng mga lalaking katulad ni Lino
Napuwing natukso sa kakarampot na mamiso
Katawa’t kaluluwa’y inilalako
Lino o Lino kailan pa magbabago
Kung ikaw kaya’y malapit na
Sa hantungan ng pahinga