Nyt Lumenda – Ikaw ang Dahilan Lyrics

Ikaw Ang Dahilan

by Nyt Lumenda

Bakit ba

pag ika’y nakikita

Puso ko ay

kumakaba

Pag nasilayan ko

ang iyong ganda

puso ko ay 

nababalisa

Kapag ika’y katabi

ako’y di mapakali

Walang ibang iniisip

Kundi ikaw lagi

Sinubukan ko

ika’y kalimutan

Ngunit hanggang ngayon

Di ko makakayanan

Pagkat ikaw ang laman

ng puso ko’t isipan

Sa araw at gabi

ikaw ang dahilan

Hindi ako makatulog

Sa kakaisip sa’yo

Pagkat ikaw sinta

Ikaw ang dahilan

Paano ko kaya

Masasabi sayo

Na ikaw ang tinitibok

ng puso ko

Ang aking nadarama

ay para lang sa’yo

Asahan mo ito sinta

Ay di na maglalaho

Pagkat ikaw ang laman

ng puso ko’t isipan

Sa araw at gabi

ikaw ang dahilan

Hindi ako makatulog

Sa kakaisip sa’yo

Pagkat ikaw sinta

Ikaw ang dahilan

Ikaw ang laman

ng puso ko’t isipan

Sa araw at gabi

ikaw ang dahilan

Hindi ako makatulog

Sa kakaisip sa’yo

Pagkat ikaw sinta

Ikaw ang dahilan

Ikaw ang laman

ng puso ko’t isipan

Sa araw at gabi

ikaw ang dahilan

Hindi ako makatulog

Sa kakaisip sa’yo

Pagkat ikaw sinta

Ikaw ang mahal.