Erik Santos – Kulang Ako Kung Wala Ka Lyrics

Erik Santos Lyrics

“Kulang Ako Kung Wala Ka”

Nag-iisa at hindi mapakali

Ibang-iba pala ‘pag wala ka sa aking tabi

Pinipilit kong limutin ka nguni’t ‘di magawa

Sa bawat kong galaw ay laging hanap ka

Nag-iisa ang isang kagaya mo

Na nagmahal at nagt’yaga sa isang katulad ko

Bakit nga ba ‘di ko man lang nabigyan ng halaga?

Nagsisisi ngayong wala ka na

Kulang ako kung wala ka

‘Di ako mabubuo kung ‘di kita kasama

Nasanay na ako na lagi kang nariyan

‘Di ko kayang mag-isa, puso ay pagbigyan

Kulang ako, kulang ako kung wala ka

Nag-iisa sa bawat sandali

At tila ba biglang nahati ang aking daigdig

Umaasa na sana’y maging tayong dalawa muli

Sa puso ko’y wala kang kapalit

Kulang ako kung wala ka

‘Di ako mabubuo kung ‘di kita kasama

Nasanay na ako na lagi kang nariyan

‘Di ko kayang mag-isa, puso ay pagbigyan

Kulang ako, kulang ako kung wala ka, oh

Kulang ako kung wala ka

‘Di ako mabubuo kung ‘di kita kasama

Nasanay na ako na lagi kang nariyan

‘Di ko kayang mag-isa, puso ay pagbigyan

Kulang ako, kulang ako kung wala ka

Kulang ako, kulang ako kung wala ka