Gary Granada – Holdap Lyrics

Gary Granada Lyrics

“Holdap”

Minsan ako ay nag-agahan

Doon sa bandang nagtahan

Nang mayro’ng nagkagulo sa isang tambayan

Ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan

Sa isang pampasaherong sasakyan

Nang aking nilapitan

Tamang-tamang naabutan

Ang isa sa biktimang nagsalaysay

At ang bukambibig yaong mamang nanginginig

Salamat daw at siya’y naiwan pang buhay

Nanakawan na at naholdap si Juan

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan

Isang kinsenang kayod

Ang pinagpawisang sahod

Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw

Pati yung estudyante

At aleng mukhang pasyente

At lolong halos ‘di na makagalaw

Relo, singsing at hikaw

Pati ngiping natutunaw

Sinimut noong disenteng lalaki

Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw

Sila’y inabutan pa ng pamasahe

Nanakawan na at naholdap si Juan

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

Ngunit ang nagnakaw pa ang kararangalan

Ngunit minsa’y namukhaan itong kawawang si Juan

Ang holdaper kanya palang kapitbahay

Malimit mag-abuloy ng abubot at borloloy

Sa tuwing may okasiyong pambarangay

Siya ay kwelang-kwela sa simbahan at eskwela

Bida kay bishop, kay judge at kapitan

Taon-taon pati ay may medalya at plake

Ang magiting at dakilang kawatan

Nanakawan na at naholdap si Juan

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

Ngunit ang nagnakaw pa nasa pamahalaan

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

At lalong mababaon

Dahil sa Philippines 2000



Related