Gary Granada Lyrics
“Bahay”
Isang araw ako’y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo’y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira
Sa init ng tabla’t karton sila doo’y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay
Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam
Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila’y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay
Maghapo’t magdamag silang kakayod kakahig
Pagdaka’y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga mayayamang patay
Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n’yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay
Maraming salamat po